Iminungkahi ni Deputy Speaker LRay Villafuerte na pansamantalang gamitin ng gobyerno ang dating TV at radio frequencies ng ABS-CBN sa alternative distance learning modalities ng mga estudyante ngayong darating na pasukan.
Sa inihaing House Resolution 1044 ni Villafuerte, nakasaad na mas mainam kung mapakikinabangan pansamantala ang nabakanteng frequencies para sa pagtugon sa sektor ng edukasyong ngayong lubos din itong naapektuhan ng pandemya.
Malaki umano ang maitutulong nito lalo’y malaking hamon para sa maraming estudyante at mga guro ang access sa internet.
Kaya naman kailangan umanong mag-isip ng ibang alternatibo, paraan o istratehiya para maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga mag-aaral.