Bukas na ang aplikasyon ng JBC o Judicial and Bar Council para sa nabakanteng posisyon ng ngayo’y chief justice na si Teresita Leonardo De Castro sa pagka-associate justice ng Supreme Court.
Ayon kay JBC Ex-officio Member sec. Edgar Aricheta, hanggang Oktubre 1 bukas ang pagtanggap nila ng aplikasyon para sa nagnanais punuan ang naiwang posisyon ni De Castro.
Paalala ng JBC sa mga nagnanais maging aplikante, dapat kumpleto ang kanilang aplikasyon at mga kinakailangang dokumento basta’t ito’y updated.
Kabilang sa mga kailangang dokumento ay ang transmittal letter, transcript of records sa law school, certificate of admission sa bar, lifetime membership sa IBP o Integrated Bar of the Philippines, sample decision sa mga kaso at SAL-N o Statement of Assets, Liabilities and Networth.