Nasa halos 8.4 na milyon ang bilang ng mga nabakunahAn kontra COVID-19.
Ito’y base sa datos na inilabas ng Department Of Health at National Task Force against COVID-19, nasa kabuuang 8, 407, 343 ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa naturang bilang, 6, 253,400 ang nabigyan ng first dose habang 2, 153, 942 ang naturukan ng second dose.
Habang 208, 809 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na isang linggo.
Samantala, hinihikayat pa rin ng pamahalaan ang mga kabilang sa A1 hanggang A4 priority groups na magpabakuna.
Nagpaalala naman ang gobyerno sa mga nakakumpleto ng dose ng bakuna na sumunod pa rin sa mga ipinapatupad na health protocols.