Aabot na sa 10 milyon ang nabakunahan kontra COVID-19 sa buong bansa.
Ito ay base sa datos na inilabas ng Department Of Health o DOH na nasa 9.9 na ang naiturok na dose ng bakuna.
Nasa pito punto apat na milyong Pilipino na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang halos 2.5 milyon naman ang fully vaccinated o nakapagpaturok ng dalawang dose ng bakuna sa bansa.
Ayon kay Dr. Napoleon Arevalo, Direktor ng DOH field implementation and coordination team sa Luzon, halos nasa isandaang porsiyento na ang nabakunahan na nasa nasa A1 priority group, 2.3 milyon naman ang nasa A2 priority group.
Bukod dito, nabakunahan na rin aniya ang mga nasa A4 o essential workers at A5 o mahihirap.
Gayunman, patuloy na binabantayan ng gobyerno ang mas nakakahawang delta variant.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 58 milyong Pilipino bago matapos ang taon.