Muli nang nabuksan ang runway 1331 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos mai-alis na sa nabanggit na runway ang nabalahaw na eroplano ng Jetstar airline na patungo sanang Japan.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, pasado10:30 kaninang umaga nang matanggal na ang Airbus 320 aircraft ng Jetstar mula sa halos 8 oras na pagkakabaon ng harapang gulong nito sa damuhang bahagi ng runway ng paliparan.
Pasado 2:00 kaninang madaling araw ng mag-overshoot ang eroplano ng Jetstar at bumaon ang harapang gulong sa damuhang bahagi ng runway.
Una nang tiniyak ng MIAA at CAAP na ligtas na nakababa ng nabanggit na eroplano ang lahat ng 140 pasahero at crew nito at dinala pabalik sa NAIA terminal 1.—ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)