Sinisilip ng Southern Police District o SPD ang kasong murder ni Pasay City Councilor Borbie Rivera na posibleng may kinalaman sa pagkakabaril nito noong Sabado ng gabi.
Ayon kay SPD Director, chief Supt. Tomas Apolinario Jr., partikular na titingnan nila ang dating records ni Rivera kung saan nakulong ito sa Makati jail dalawang taon na ang nakararaan.
Una nang napabalita na tinambangan noong June 23 ng taong ito si Rivera at personal na away ang nakitang motibo dito.
Idineklarang dead-on-arrival si Rivera sa Asian Hospital sa Muntinlupa City makaraang magtamo ng bala sa kanyang katawan at ulo.
Sa ngayon, hindi pa rin tukoy ang nasa likod ng krimen at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
By Arianne Palma