Nalagasan ng 83,000 ang bilang ng mga nagtratrabaho sa sektor ng human health and social work activities nitong Agosto 2021.
Sa datos ng PSA, nasa 574,000 na lamang ang nagtratrabaho sa naturang sektor hanggang nitong Agosto samantalang nasa 657,000 sila noong Hulyo.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, sa human health and social work activities napapaloob ang mga healthcare worker sa mga ospital at laboratoryo ngunit hindi nakahimay sa datos ng psa kung ilang mga nars at doktor ang umalis sa trabaho.
Hindi naman ikinagulat ng Filipino United Nurses ang pagbibitiw ng maraming healthcare workers dahil sa maliit na sweldo, kakulangan ng benepisyo at bigat ng trabaho.—sa panulat ni Hya Ludivico