Umabot sa P11 bilyon ang halaga ng kabuuang nabawas mula sa mga perang ipinadala ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas noong 2020 batay sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ay dulot ng pandemyang nararanasan ng buong mundo ngayong dahil sa COVID-19,subalit ayon sa BSP mas mababa ito sa inaasahang kabawasan sa mga remittances na nasa halos P29 bilyon.
Kaya gayon na lamang ang pagsusulong ng pamahalaan na maipasa ang panukalang Department of Oversease Filipinos (DOFIL) na siyang ga-gwardiya sa proteksyon at pangangailangan ng mga OFW.—sa panulat ni Agustina Nolasco