Sumampa na sa 52 ang bilang ng mga nasugatan sa bansa dahil sa paputok.
Ilang oras ito bago ang pagsalubong ng bagong taon.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang kaninang 6: 00 ng umaga, nangunguna sa dahilan ng pagkasugat ang ‘boga’ o yung improvised cannon.
Kumakatawan ang bilang na ito ng 30% , mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 40 % lamang.
Karamihan sa mga biktima ay mga lalaki na nasa 45 o 87 % ng kabuuang bilang.