Minaliit ni COMELEC Chairman Andy Bautista ang nabunyag na 30 consolidated counting machines ang dati nang may laman o nakaprogramang mga boto.
Hinamon ni Bautista ang mga nagpakilalang IT experts mula sa COMELEC National Technical Support Center na magpakita ng kanilang mga ebidensya.
Sa lugar pa lamang anya ay mali na ang report na lumabas sa The Standard dahil ang kanilang mga IT experts ay nasa Quezon City at wala sa Sta. Rosa Laguna, na imbakan lamang ng PCOS machines.
Gayunman, sinabi ni Bautista na laging bukas ang COMELEC sa kahit anong klase ng imbestigasyon.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andy Bautista
By Len Aguirre