Iniimbestigahan na ng PNP-IAS o Philippine National Police – Internal Affairs Service ang nabunyag na sikretong kulungan sa Manila Police District o MPD Station 1.
Ayon kay IAS Inspector Alfegar Triambulo, kasama ng kanyang mga tauhan ang mga miyembro ng Commission on Human Rights (CHR) para siyasatin ang nadiskubreng kulungan na tinatakpan lamang ng aparador.
Sinabi naman PNP Human Rights Affairs Office Director Chief Supt. Dennis Siervo, hinhintayin na lamang nila ang magiging resulta ng imbestigasyon at ito aniya ang magiging basehan ng kanilang magiging rekomendasyon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon nasa walong (8) lalake at dalawang (2) babae ang sikretong ikinulong sa naturang istasyon ng MPD.
By Ralph Obina