May agam-agam umano ang ilang health experts sa United Kingdom (UK) sa bisa ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y ayon kay British Transport Secretary Grant Shapps sa harap ng pinangangambahang pagkalat ng bagong variant ng coronavirus na natuklasan sa South Africa at UK.
Ayon kay Shapps, hinihinala ng ilang eksperto na hindi uubra ang mga nabuong bakuna laban sa South African variant.
Gayunman, sa ngayon ay umaasa pa rin ang mga dalubhasa na magkakaroon ng epekto ang COVID-19 vaccines ng Pfizer Inc. at BioNTech laban sa mga bagong strain na sinasabing mas mabilis makapanghawa.