Nagpahayag na ng kanilang suporta kay House Speaker Lord Allan Velasco ang Nacionalista Party.
Ang Nacionalista Party ay ang partidong kinaaniban ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.
Tiniyak ni Deputy Majority Leader at Las Piñas City Rep. Camille villar, lider ng partido, na solido ang suporta ng 44 na kongresita ng NP sa ilalim ng liderato ni Velasco.
Naniniwala aniya sila na mahalaga ang pagkakaisa para epektibong maipatupad ang mga programang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte para ibangon ang ekonomiyang lubos na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kasabay nito, sinabi ni Villar na nais niyang maging co-author ng panukalang batas na magkakaloob ng anti-red tape powers kay Pangulong Duterte upang mas epektibong malabanan ang katiwalian sa gobyerno lalo na sa panahon ng national emergency.