Nananatiling undecided ang Nacionalista Party sa kung sino ang kanilang susuportahan sa 2016 elections.
Ayon kay Senadora Cynthia Villar, may bahay ni dating Senate President at NP Chairman Manny Villar, patuloy na pinag-uusapan ng NP ang kanilang magiging plano ng partido para sa halalan sa susunod na taon.
Inamin ng senadora na nalilito siya sa mga balitang tatakbo sa ilalim ng administrasyon si Senador Alan Peter Cayetano para maging runningmate ni Department of Interior and Local Goverernment Secretary Mar Roxas.
Sinabi ni villar na tatlong miyembro nila sa katauhan nila Cayetano, Senador Antonio Trillanes IV at Senador Bongbong Marcos ang nag-aambisyon sa mataas na posisyon sa 2016. Anuman aniya ang maging desisyon ng mga ito ay tiyak na makaka-apekto sa koalisyon ng NP sa Liberal Party.
By: Ralph Obina