Sumampa na sa 10,431 ang bilang ng mga pulis na dinapuan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ngayong Sabado, Pebrero 6.
Ito ay matapos makapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 57 bagong kaso ng mga positibong kapulisan ngayong araw.
Habang nadagdagan naman ng 38 ang mga gumaling na, dahilan upang pumalo sa 9,753 ang buong numero ng mga nakarekober sa naturang virus.
Samantala, nanatili naman sa 649 ang kabuuang bilang ng mga nakitil na pulisya ng COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco