Muling nabuhay ang espekulasyong nagkabalikan na nga ang dating magkasintahan na sina Nadine Lustre at James Reid.
Ito ay matapos na ma-ispatan muli ang dalawa na magkasama sa birthday celebration ng nanay ni James na si Marcela MacDonald.
Batay kasi sa post mismo ng nanay ni James, pinasalamatan nito si Nadine para sa ibingay nitong cake at pagsasagawa ng sorpresa para sa kanyang kaarawan.
Kalakip din sa post ang larawan kung saan makikitang kasama ni Mrs. Marcela ang anak na si James at Nadine.
Magugunitang Pebrero nang aminin nila Nadine at James ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng pagpapalabas ng joint statement.