Nag-deactivate ng kanyang Twitter account si Nadine Lustre kahapon.
Ngunit hindi pa rin matukoy ang dahilan kung bakit ginawa ito ng aktres.
Base sa huling twitter post ni Nadine ay tila nakasagutan nito ang isa niyang masugid na fan…at ang isyu… tungkol pa rin sa umano’y pagli-live in nila ng on screen partner at boyfriend na si James Reid.
Matatandaang una nang sinagot ng aktres ang naturang isyu at sinabi niyang wala namang masama sakaling totoo.
Nakiusap naman ang JaDine fans na tigilan na ang dalawa kaugnay sa naturang isyu at dapat na irespeto ang kanilang pribadong buhay.
By Arianne Palma