Huwebes – Oktubre 12. Humiling sa netizens ang aktres na si Nadine Lustre na huwag nang i-post o i-repost ang kanyang mga larawan o video na nasa burol ng kanyang yumaong kapatid na si Isaiah.
Ito ang naging pahayag ni Nadine sa kanyang Instagram o IG Story noong, kung saan sinabi pa niya na,
Let’s give respect. This is for EVERYONE. Thank you.
Sa sumunod na post naman ng dalaga, binuweltahan naman nito ang mga nangba-bash sa kanya kaugnay sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
Kasunod ito ng mga komento ng bashers na hindi daw apektado ang aktres sa nangyari at inuuna pa umano ang love life.
Ani Nadine sa kanyang IG Story,
To everyone who’s been judging me for the past few days, remember this..
You will always see me UP but never DOWN.
So wag niyong hanapin.
Get lost please.
Pagpapatuloy ng aktres,
“And to everyone who’s been sharing me stories of weakness..
Im reading.
Wait for me…
I GOT U.
Biyernes – Oktubre 13. Samantala, sa isang Instagram post ni Nadine para sa ika-17 kaarawan sana ng kanyang yumaong kapatid, isiniwalat nito ang nadiskubre niyang blog site ni Isaiah.
Ani Nadine sa kanyang caption, proud ito sa kanyang kapatid at hindi niya akalain na may talent ito sa pagsulat.
Pagpapatuloy ng aktres, nagpasalamat ito sa kapatid dahil sa pagturo umano nito sa kanya na maging mas matapang at tiniyak na malalampasan ang anumang pagsubok dahil sa yumaong kapatid.
Dagdag pa ni Nadine, magta-travel pa din silang magkapatid.
Miyerkules – Oktubre 11. Matatandaang kinumpirma ng tiyahin ni Nadine na si Nona Clemente, pinsan ng ama ni Nadine, sa isang Twitter post ang pagkamatay ni Isaiah.
Please lift a prayer for my nephew, Isaiah Lustre. Eternal rest grant unto him Oh Lord. And let perpetual light shine upon him. #keepgoing ; — Nona Clemente (@nonaclemente) October 11, 2017
Ayon sa Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuang duguan si Isaiah sa loob kanyang kwarto, sa kanilang bahay sa Quezon City noong Sabado, Oktubre 7.
Agad naman itong isinugod sa ospital ngunit binawian din ng buhay.
Samantala, kumbinsido naman ang ama ni Nadine na si Ulysses na nag-suicide o nagpakamatay ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo.