Nagsimula na ang lock-in taping ng aktres na si Nadine Lustre at aktor na si Diego Loyzaga at Epy Quizon para sa pelikulang ‘Greed’.
Ibinahagi ng direktor na si Yam Laranas sa kaniyang instagram account ang mga larawan mula sa set ng ‘Greed’ na ginaganap sa isang bayan sa lalawigan ng Rizal.
Samantala, ito ang unang pelikula ng aktres matapos na makipagsundo sa VIVA Artists Agency (VAA). —sa panulat ni Airiam Sancho