Nanawagan ng tulong ang aktres na si Nadine Lustre sa mga netizens para sa mga nabiktima ng super typhoon Odette.
Sa kanyang Instagram acount, ibinihagi ni Lustre ang mga impormasyon kung saan maaaring magbigay tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa kanyang IG story, sinabi ng aktres na kailangan ng mga tao ang pagkain, damit, gamot, inuming tubig at ibang kagamitan na maaaring makatulong sa mga residente ng naturang isla.
Matatandaang, nakabase ngayon si Nadine sa Siargao Island kung saan tumama ang bagyong Odette. —sa panulat ni Kim Gomez