Handa nang “mag-isa” si Nadine Lustre.
Ayon sa aktres, ramdam niyang lumipas na sa kanya ang idea ng love team kaya’t babalik siya sa showbusiness ng walang ka love team.
Nilinaw ni Nadine na hindi naman siya negatibo sa idea ng love team na aniya’y talagang pinagdaraanan ng mga artista subalit sa edad nya, talagang sa tingin niya ay hindi na niya gustong magka love team pa.
Kasabay nito, ibinunyag ni Nadine na kakalas na rin siya sa mga pelikulang may temang love story at panahon na rin naman aniyang i-try nya ang ibang genre.
Magugunitang sumikat ang Jadine na love team nina Nadine at James Reid.