Kinasuhan ng Viva Artists Agency (VAA) ang aktres na si Nadine Lustre dahil sa umano’y paglabag sa kanyang nilagdaang kontrata sa ahensya.
Batay sa reklamo ng talent management firm sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC), binanggit na lumagda ng panibagong kontrata sa kanila si Lustre noon pang 2015 at valid ito hanggang Hunyo 29, 2029.
Matatandaang inanunsiyo ni Lustre noong Enero na na-terminate na ang kontrata niya sa ahensya at siya ay “self-managed” na sa kasalukuyan.
Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni lustre ukol sa reklamo ng Viva.