Kinumpirma ng Russian Meteorological Service na kanilang na natuklasan ang mataas na sukat ng radioactive isotope pollution sa bahagi ng Ural Mountains.
Ito ay sa kabila ng kapwa pagtanggi ng Russia at Kazakhstan na nagkaroon ng nuclear accident sa kanilang mga research at testing centers.
Batay sa Russian State Weather Service, mataas ng 1,000 beses sa normal levels ang kanilang nakitang ruthenium 106, isang klase ng radioactive isotope na nagmumula sa nuclear.
Gayunman, kanilang tiniyak na walang dalang panganib sa kalusugan ng publiko ang mga ito.
Una nang inulat ng France Nuclear Safety Institute ang kanilang nakitang radioactive pollution sa himpapawid ng Europa.
—-