Naniniwala si National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) Chair Dr. Lulu Bravo na makakatulong ang Muslim Health Experts para maipaliwanag sa mga taga-Mindanao ang kahalagahan ng pagbabakuna.
Ito aniya ay dahil sa mababang vaccination coverage sa Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno.
Sa ngayon, kailangan ani Bravo ang matinding pangungumbinsi at mapaliwanagan ang mga taga-BARMM sa gitna ng mga iba’t ibang paniniwala dulot ng fake news.