Tiniyak ng PNP ang mahigpit na seguridad sa lumutang na contractor at nag akusa sa umanoy corruption issues sa pinaslang na Pangulo ng USTP o University of Science and Technology of Southern Philippines.
Ito ayon kay Special Investigation and Task Group Spokesperson Chief Inspector Mardi Hortillosa ay sakaling mag pasya si Engr Selwyn Lao, Pangulo ng Wing An Construction and Development Construction na magtungo sa Cagayan de Oro City at tumulong sa pag resolba sa pagpaslang kay Dr. Ricardo Rotoras.
Welcome aniya na makipag tulungan sa kanila si Lao lalo nat umamin itong may galit kay Rotoras at iba pang opisyal ng USTP dahil sa sigalot sa proyekto.
Sinabi ni Hortillosa na hindi pa maituturing na person of interest sa krimen si Lao na una nang ibinunyag ang aniya’y paghingi ng komisyon ni Rotoras sa 20 Million Pesos na halaga ng construction ng USTP Student Center Project.