Muling sumasailalim sa istriktong na 14-day quarantine ang nag-iisang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng General Santos City.
Ito ay matapos namang muling magpositibo sa virus ang nabanggit na lalaking pasyente na tinukoy bilang si Patient 3669.
Ayon sa Department of Health (DOH) – Center for Health Development Soccsksargen Region, ika-28 ng Abril nang kunan ng repeat test si Patient 3669 kung saan lumabas na positibo itong muli sa virus.
Ika-7 ng Abril nang kumpirmahin ng DOH si Patient 3669 bilang ika-11 kaso ng COVID-19 na naitala sa Soccsksargen Region.
Ika-18 ng Abril naman nang makalabas ito ng ospital matapos na unang makarekober sa sakit.