Ipapatawag ng Philippine National Police-Civil Security Group ang nag-viral na estudyanteng nagtitinda ng sampaguita sa isang mall sa Mandaluyong City.
Ayon kay PNP-CSG Spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano, saka-sakaling hindi ito tumugon ay magpapatuloy pa rin ang preliminary investigation sa insidente.
Gayunman, posible aniyang maka-apekto sa administrative complaint laban sa gwardiya sakaling mabigo ang nasabing estudyante na maghain ng pormal na reklamo.
Sa ngayon, nananatiling nasa floating status ang security guard na nakatakdang magsumite ng kanyang kontra salaysay sa PNP-CSG, ngayong araw, January 22, 2025. – Sa panulat ni Jeraline Doinog