Pananagutan ng J&T Express sakaling maaapektuhan ang produktong kanilang ide-deliver dahil sa kawalan ng pag-iingat.
Ayon kay dating DTI Usec. Victorio Dimagiba ng Laban Konsyumer, malinaw na labag sa consumer act ang nag viral na video ng J&T Express kung saan walang ingat at basta inihahagis sa loob ng delivery truck ang mga parcels na dadalhin sa consumer.
Hinikayat ni Dimagiba ang consumers na agad ireport sa DTI kapag nakatanggap sila ng delivery na mayroong sira at huwag itong ipagwalang bahala.
Ipaalala lang natin na obligasyon ng mga providers na ganyan na i-ensure na yung items na nandun sa loob ng parcel stays in the original condition they were when shipped out kasi baka hindi nila naiintindihan nag-violate na sila ng Article 50 consumer act,” ani Dimagiba. — panayam mula sa Ratsada Balita.