Bumangong lumalaban sa buhay ang mga lungsod ng Cagayan de Oro (CDO) at Naga mula sa mga hamong dinanas at ngayo’y patungo na sa direksyon nang pagtataguyod ng resilient systems para maging matagumpay laban sa mga sakuna mula sa pagiging biktima ng mga ito.
Hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat na regular nang nakakaranas ng mga masasamang panahon at maging lindol ang CDO at naga lalo pat kapwa matatagpuan ang mga nasabing lungsod sa Cagayan River basin at Bicol River basin sa kabila ito ng magagandang white sand beaches at mayamang kasaysayan at kultura ng mga ito.
Subalit tila nag iba ang ihip ng hangin nang ilagay ng National Resilience Council (NRC) ang CDO at Naga City sa ilalim ng ‘adopt a city program’ na nagbukas ng mga oportunidad sa mga naturang LGU’s para makipag partner sa pribadong sektor.
Nakipagsanib puwersa ang CDO at Naga City sa SM Prime Holdings Incorporated, isa sa mga nangungunang property developer sa Southeast Asia na committed sa pagkakaloob ng ligtas at sustainable spaces para sa stakeholders nito.
Binigyang-diin ni Hans Sy, SM Prime Chairman ng Executive Committee at Concurrent Co-Chair for the Private Sector ng NRC na mahalaga sa kanila ang nasabing partnership lalo pa’t naka-focus sila sa sustainability at disaster resilience.
Ang adopt a city program ng NRC ay isang City Specific Partnership Model na tumutugon sa commitment ng Pilipinas sa ilalim ng Sendai Framework for Disaster Risk Reduction, advancement ng sustainable development goals, mga kasunduan sa isyu ng climate at ng new urban agenda.
Sa ilalim ng nasabing programa tinatapatan ng NRC ang resources ng partners nito tulad ng scientific knowledge, tehcnology, funding, services, equipment at logistics sa strategic needs ng LGU’s na sumasalailalim sa resilient LGU program ang tatlong taong programa ng NRC kung saan pinagsama ang science and technology at leadership and governance.
Cagayan de Oro – ang kaliwanagan matapos ang bagyong Sendong!
Sa gitna ng matinding danyos na sinapit mula sa bagyong Sendong nuong 2011 pinili ng Cagayan de Oro City na harapin ang hamon ng mga sakunang ito sa pamamagitan nang pagpapalakas sa Disaster Risk Management System gayundin ang resettlement program, pag-redefine sa health and education governance at pangasiwaan ng maayos ang solid waste at water resources.
Naisaayos ng city government ang tirahan ng survivor’s ng bagyong Sendong at sa katunayan ay nai-award pa sa mga ito ang titulo ng lupa para matiyak ang security of tenure ng mga apektadong pamilya.
Katapat naman ito ng mga programa para masiguro ang maayos na kalusugan ng mga residente habang ini-upgrade ng LGU ang mga pangunahing health facilities nito at binuksan ang sariling Center for Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases upang mahigpit na ma monitor at malabasan ang mga nakamamatay na sakit.
Naging priority rin ng Cagayan de Oro City ang education and environmental programs sa pamamagitan ng konstruksyon ng mga school building, pag-upgrade sa TechVoc Institute gayundin ang pag-i-invest ng halos 153 million pesos sa mga gamit at training.
Ang CDO ay isa rin sa mga naunang nagpatupad ng ban sa paggamit ng plastics at pagko-convert sa isang lumang basurahan bilang Eco Park.
Bukod sa water lab, inilunsad din ng CDO City government ang project Lunhaw, isang climate adaptation program at Hapsay Sapa Waterways Management Project, isang model waterways rehabilitation project na nakatanggap na ng Asian townscapes award mula sa United Nations Human Settlements Program (UN habitat).
Naga City: ang pakikibaka sa bagyo at pandemya
Hindi rin nakaligtas sa hagupit ng bagyong Tisoy nuong December 2019 ang Naga City matapos isailalim sa state of calamity nang makapagtala ng matinding dnyos sa agrikultura, livestock at fisheries na umaabot sa milyung milyong piso.
At habang nagre-recover ang Naga City at iba pang lugar na naapektuhan ng bagyong Tisoy kidineklara naman ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 pandemic.
Samantalang bumubuo ng mga strategy para sa agarang pagbalik ng Metro Manila residents sa kani kanilang home provinces kaagad namang isinulong ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang response strategy na kinabibilangan ng economic-recovery para matiyak ang kinakailangang ayuda sa pamamagitan ng formal at non-formal financing channels para sa mga maliliit na negosyo at masiguro ang kabuhayan ng mga tao at makatulong sa local economy.
Kumilos na ang Naga City government para tutukan ang mga solusyon, paigtingin ang metrics at mga paraan para kakaagapay sa mga hamong may kinalaman sa pandemya.
Kabilang dito ang pag operate ng sarili nitong molecular laboratory para sa local testing at pagkakaloob ng business stimulus loans PSA micro at small businesses na makakatulong sa Naga City na mabuhay sa gitna ng pandemya habang mahigpit na nakatuon sa pagsigla muli ng ekonomiya at tulad ng CDO, higit itong nag-invest sa health systems at resilient centers.
CDO at Naga: agsusulong ng mas maganda, maayos at maliwanag na kinabukasan
Matapos ang dalawang taong intervention ng NRC at Sm Prime nakausad na kapwa ang Naga City at Cagayan de Oro City sa huling yugto ng three phased ‘Adopt a City Program’ at ngayo’y nasa transition na ng year 3 transform phase matapos maabot ang mga layunin para sa prepare and adapt phases.
Sinabi ni Hans Sy, SM Prime Chairman ng Executive Committee at Concurrent Co-Chair for the Private Sector ng NRC ang nasabing transition ay itinuturing nilang highlight ng capacity at institutionalization ng kanilang partnership sa city government ng Naga at Cagayan de Oro at ang year 3 aniya ay magiging makasaysayan dahil ang kanilang mga pagkilos ay nagsisimula nang magbunga ng mga magaganda at pang matagalang solusyon mula sa aniya’y isang open collaboration na unti-unting pinalalakas.
Tiwala si Sy na mas magiging malakas na bansa pa ang pilipinas sa ilalim ng aniya’y better normal dahil nakikita niyang mas marami pang mga pilipino ang nakakabatid na ng kahalagahan ng pamumuhay sa ilalim ng sustainable at resilience ways lalo na sa mga panahong ito.