Isinailalim na sa State of Calamity ang Naga City sa Camarines Sur dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Naga City Mayor Nelson Legacion, aabot sa 700 hanggang 1,000 baboy sa kanilang lugar ang nagpositibo sa African Swine Fever .
Dahil dito maaaring magamit ng Lokal na Pamahalaan ang emergency fund para mabayaran ng P2,000 ang kada baboy na isasailalim sa culling upang maiwasan na ang pagkalat ng sakit.
Samantala, pinahintulutan naman ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga slaughterhouse sa kalapit na bayan na makapag suplay ng baboy sa naga para matiyak ang na walang magiging kakapusan sa suplay nito.