Nangunguna ang Naga City sa may pinakamataas na naitatalang krimen kada buwan.
Batay ito sa data ng Philippine National Police (PNP) sa unang quarter ng taong 2018.
Ayon sa Crime Research and Analysis Center ng PNP-Directorate for Investigation and Detection Management ang Naga City ay mayroong 273.83 average monthly crime rate mula Enero hanggang Marso.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalaco na kapag mas marami ang tao, mas mababa ang crime rate o mas mataas ang crime rate kapag kakaunti ang populasyon.
Pangalawa sa listahan ang Mandaue City, sunod ang Pasay City, Iloilo, Cebu, Makati City at Mandaluyong.
Ika-10 naman sa ranking ang Quezon City na nangunguna naman sa sampung lungsod na may pinakamataas na bilang ng walong focus crimes sa unang quarter ng taong ito.
Kabilang dito ang anti-criminality campaign tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping at motornapping.
Samantala nagtala naman ng pinakamababang average monthly crime rate ang Ormoc City sunod ang Cotabato City, Puerto Princesa, Angeles City, Olongapo City at Davao City.
—-