Pumalo na sa kabuuang 6,314,548 ang bilang ng mga doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ang naiturok ng pamahalaan sa gitna na vaccination program nito.
Sa naturang bilang, 4,632,826 ang naiturok bilang unang dose, at 1,681,722 naman ang itinurok bilang ikalawang dose.
Sa mga sektor na nabakunahan na kontra COVID-19, 886,420 sa mga health workers ang nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna habang higit isa punto apat na milyon ang nakatanggap ng unang dose pa lamang.
Habang sa hanay naman ng mga senior citizens, higit 415,000 na ang full vaccinated at higit 1.6 milyon sa naman ang nakatanggap ng unang dose nito.
Sa hanay naman ng mga taong may sakit o persons with comorbidites ay umabot na sa 373,493 ang naturukan na ng kumpletong dose ng bakuna at habang ang mga nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine ay higit 1.5 milyon na.
Samanatala nitong Hunyo 7 ay pinasimulan na ang pagbabakuna sa mga economic frontliners pero maliit pa lamang ang bilang ng mga naturukan nito.