Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang ambush sa Magsaysay, Occidental Mindoro na ikinasawi ng tatlong pulis at ikinasugat ng pitong iba pa.
Kasunod na rin ito nang pagkundena ng CHR sa nasabing insidente.
Ang mga biktima ay mula sa first occidental Mindoro police mobile force company at kasama sa provincial task force to end local communist armed conflict serbisyo caravan nang atakihin sila ng mga miyembro ng New People’s Army.
Ang mga nasabing pulis ay bahagi ng security convoy ni Governor Eduardo Gadiano na dumadaan sa isang bundok sa bayan ng San Jose nang atakihin ng mga rebelde.