Naiparating na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command sa National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang nangyaring insidente sa Pag-Asa Island sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard kahapon.
Sinabi ni AFP Wescom Commander Vice Admiral Alberto Carlos, na may kaugnayan ito sa ginawang pag-agaw ng Chinese Coast Guard sa isang floating object na nakuha ng Philippine Navy.
Nabatid na agad pinutol ng Chinese Coast Guard Vessel na may bow number 5203 ang towing line, na hinihila ng grupo ng philippine navy dahilan para makuha ang nasabing bagay.