Binigyang-diin ni Senator JV Ejercito na ang naranasang lindol sa Luzon kahapon ay patunay lamang na kailangan ng bansa ang Department of Disaster Resilience (DDR).
Iginiit ng senador na kailangan ng Pilipinas ng full-fledged department na tututok sa disaster preparedness, response, at management ng bansa.
Ayon kay Ejercito, bagamat mayroong National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), malaki parin ang maitutulong ng pagkakaroon ng DDR upang mapaghandaan ang mga kalamidad, training, acquisition, at paggawa ng mga evacuation centers.
Nabatid na isa si Ejercito sa mga mambabatas na nagsusulong ng pagbuo ng Department of Disaster Resilience kung saan, inihain ng senador sa 19th Congress ang Senate Bill No. 756.