Nilinaw ng kapatid ng pinaslang na brodkaster na si Percy Lapid na apat ang gang leader sa New Bilibid Prison na nagbunyag ng mga pangyayari sa pagpatay sa mamamahayag at sa “middleman” na si Jun Villamor.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Roy Mabasa na malinaw nang mayroong mga pangalan na binabanggit na sangkot sa pagkamatay ng kaniyang kapatid at ni Villamor.
Ipinabatid pa ni Mabasa na akma ang resulta ng autopsy ni forensic pathologist Dr. Raquel fortun sa salaysay ng mga gang leader.
Doon nagkaiba yung kanilang findings sa NBI, yung NBI apparently hindi naman sa pag-aano yung ginawa ng NBI isang mababaw na pag-autopsy lamang… Detalyado yung kay Dr. Fortun mayroon silang mga specific areas na tinignan kaya nga nadiskubre nila na ‘yan ay totoo pala sapagkat ‘yan ay vinalidate dito sa statement nitong mga gang leaders, isa doon sa mga gang leaders ang nag-order na patayin yung middleman …”
Samantala, naniniwala si Mabasa na malapit nang matapos ang imbestigasyon sa naturang krimen.
sa aking palagay nalalapit na rin itong, sa dulo, itong ginagawang imbestigasyon ng NBI at saka ng Pulis…sapagkat sabi ko nga may mga pangalan nang binabanggit dito may kakikilanlan na nong mga supposed masterminds na sinasabi ni Secretary Remulla. Aantayin natin ito ayoko kasi pangunahan yung sasabihin ni Secretary Remulla at saka ni Secretary Abalos yata nitong darating na either friday or saturday ay iaanunsiyo nila sabay ang pagfa-file ng kaso dito sa ilang mga katao pati na siguro yung mastermind… – Ang tinig ni Roy Mabasa, kapatid ng pinaslang na brodkaster na si Percy Lapid, sa panayam ng DWIZ