Iimbestigahan ng apat na ahensya ng gobyerno ang naganap na sunog sa Zamboanga Del Sur Provincial Health Office kung saan nasa 148,000 doses ng COVID-19 vaccine ang nasira.
Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, sisiyasatin nila kasama ang Department Of Health, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection kung ano ang naging pagkukulang sa pagkasira ng mga bakuna.
Kung agad aniyang naiturok ang mga ito ay hindi sana ito nasayang kaya kabilang sa kanilang sisilipin ang mabagal na pagbabakuna sa lugar.
Sinabi pa ng kalihim na dapat ay magsilbing wake-up call ito sa Local Chief Executives at paigtingin ang pagbabantay sa COVID-19 vaccines.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico