Nanawagan si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa publiko na maging mapagmatiyag at bantayan ang kalayaan sa gitna ng mga aksyon ng pamahalaan.
Ayon kay Atty. Rodriguez, usap-usapan na ang posibleng pagbabalik ng martial law kasunod ng biglaang reorganization sa National Security Council, bago matapos ang taong 2024.
Sa inilabas na kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order 81 na naglalayong palakasin ang mga umiiral na polisiya na nakakapaekto sa national security.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, tinanggal bilang miyembro ng NSC at NSC Executive Committee ang vice President at mga dating Pangulo ng bansa.
Nilinaw naman ng NSC na ang muling pagsasa-ayos sa council ay hindi indikasyon ng anomang labanan sa sektor ng seguridad sa bansa. – Sa panualt ni Jeraline Doinog