Nagbibigay ng proteksyon sa Delta variant ng COVID-19 ang lahat ng mga bakuna.
Iginiit ito ni FDA Director General Eric Domingo kahit pa mababa ang efficacy levels ng ibang brand ng bakuna.
Tinukoy ni Domingo ang Pfizer vaccine na mayroong 88% efficacy rate laban sa Delta variant subalit 93% na epektibo laban sa Alpha variant na unang nadiskubre sa UK.
60% naman aniya ang efficacy rate ng AstraZeneca laban sa delta mutation at 66% na epektibo sa Alpha variant.
Binigyang diin ni Domingo na dapat nang magpa bakuna ng mga tao dahil hindi nawawala ang bisa nito habang nakakakuha ng mutation ang mga tao.