Patay ang isang senior citizen na sakay ng kaniyang bisikleta matapos masagi ng isang rider ng motorsiklo sa Dagupan City, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Benito Pastoral, 72-anyos.
Ayon sa otoridad, pauwi na galing sa lamay sakay ng kaniyang bisikleta si Pastoral nang masagi siya ng motorsiklo sa MCArthur highway.
Sinubukan umano ng rider na mag-overtake kaya naagaw nito ang linya ng kalsada kung nasaan ang biktima.
Nabagok ang biktima na dahilan ng kaniyang pagkasawi. —sa panulat ni Mara Valle