Natatakot umano para sa kanyang buhay ang nagbitiw na anti-fraud legal officer ng PhilHealth Thorrsson Montes Keith.
Ayon kay Keith, sinaliksik nya sa internet ang background ni PhilHealth President Ricardo Morales at lumalabas anya na isa itong assasin noong nasa serbisyo pa ng Armed Forces of the Philippines.
Dahil dito, sinabi ni Keith na sa kasalukuyan ay nagtatago muna sya para sa kanyang seguridad.
Una sinabi ni Keith sa kanyang resignation letter na isa ang katiwalian sa PhilHealth ang dahilan ng pagbibitiw niya sa puwesto.