Kinakailangan pa ring humarap sa susunod na pagdinig ng Senado si dating PhilHealth senior vice president for Operations retired Brigadier General Augustus de Villa kahit pa nagbitiw na ito sa puwesto.
Ito ang Iginiit ni Senate President Vicento Sotto III matapos niyang maabisuhan at mabigyan ng kopya ng resignation letter ni De Villa.
Ayon kay Sotto, dapat ding magsumite ni De Villa ng mga dokumento hinggil sa procurement ng IT equipment ng PhilHealth.
Magugunitang si De Villa ang tinukoy ng testigong si Atty. Thorrsson Keith na pumunit sa anim na pahina ng procurement documents ng PhilHealth para itago ang tinaasang presyo ng mga IT equipment
Sinabi naman ni Sotto na posibleng may mabigat o magandang dahilan sa De Villa sa pagbibitiw nito sa puwesto sa gitna ng kinahaharap na kontrobersiya ng PhilHealth.
Nakatakda ang susunod na pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa Martes, Agosto 11.