Mas marami pang miyembro ng KAPA Community Ministry International Incorporated ang naghahain ng reklamo laban sa nasabing grupo.
Ipinabatid ito ni NBI spokesman Ferdinand Lavin sa gitna na rin ng patuloy na pagtanggap nila ng mga reklamo laban sa KAPA na dapat nilang imbestigahan.
Sinabi ni Lavin na tuluy-tuloy ang paghahain nila ng paglabag sa Securities Regulation Code laban sa mga opisyal ng KAPA habang patuloy ang pagkuha nila ng mga ebidensya hinggil sa operasyon ng umanoy investment scam.
Tiniyak ni Lavin sa mga complainant na tuluy-tuloy ang imbestigasyon nila kasabay ang paghimok sa mga ito na makipag ugnayan sa kanila para mapanagot ang mga nasa likod ng nasabing scam.