Testamento ng patuloy na pag-angat ng Philippine basketball ang ipinakitang performance ng Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA Championship.
Bagamat pumangalawa lamang sa China, positibo naman ang resulta ng naging laban ng bansa.
Ayon sa sports analyst na si Dennis Principe, kung ikukumpara ang mga nakaraang laban ng Pilipinas, palaging tinatambakan ito ng China ng 40 to 65 points.
Subalit ngayon aniya ay pinapahirapan na ng Pilipinas ang China, gayundin ang iba pang mga bansa gaya ng Iran.
Aniya pagpapakita lamang ito na hindi na kagaya ng dati ang koponan ng Pilipinas na palaging tinatambakan ng kalaban.
“Isang testamento ito ng patuloy na pag-angat ng Philippine basketball, overall in general nandoon na tayo sa level na competitive, ang dapat lang nating gawin dito ay ipagpatuloy natin whatever program na meron tayo sa ating national team.” Pahayag ni Principe.
***
Positibo din si sports analyst Dennis Principe, na mas maganda ang tiyansa ng pilipinas na makapasok sa Olympics para sa Rio, sa susunod na batch ng laban.
Ayon kay Principe, ito ay dahil nakalaban na ng Gilas Pilipinas ang mga bansa na inaasahang makakaharap natin sa susunod na qualifier, at napatunayan na ng Gilas na kaya nitong sabayan ang naturang mga koponan.
Maliban dito, sinabi ni Principe na posibleng mas nakakundisyon na si Andray Blatch sa Hulyo, at posibleng makapaglaro na din para sa Gilas si Jordan Clarkson.
Umaasa din si Principe na mapagbibigyan na ang Gilas na makuha ang mga player na nais nila mula sa iba’t ibang koponan sa PBA.
“Mas maganda ang tiyansa natin actually, pagdating ng July mas kondisyon si Andray Blatche sa nakikita ko, dahil meron siyang 9 months to prepare for it at baka puwede na si Jordan Clarkson, dahil July yun ang tapos ng NBA June.” Dagdag ni Prinsipe.
By Mariboy Ysibido | Katrina Valle | Ratsada Balita
*Photo grabbed from the internet