Pinuri ni 1973 Miss World Philippines Evangeline Pascual si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagkapanalo nito sa naturang event.
Ito’y sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos na inabot ng announcer na si Steve Harvey at gayundin ng mga organizer dahil sa pagkakamali ni Harvey.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Pascual kapansin-pansin na sa kabila ng nakakagulat na pangyayari ay naging kalmado pa rin si Wurtzbach.
“Yung bearing niya as a beauty queen ay hindi nawala, it’s a very humbling moment kasi hindi siya nag-panic at sabi nga yung becoming the statuesque of a beauty queen, she was able to carry on.” Pahayag ni Pascual.
Pagkilala
Samantala, bibigyan ng parangal ng mababang kapulungan ng Kongreso si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte Junior, pagkakalooban ng Congressional Medal of Distinction ay ang pinakamataas na karangalan na kayang ibigay ng Kongreso sa isang exemplary individual tulad ni Wurtzbach.
Aniya, mag-aadopt ang Kamara ng isang resolusyon upang maipagkalooban ang naturang award kay Pia.
Umaasa si Belmonte na personal na magtutungo ang beauty queen sa Lower House upang tanggapin ang medalya.
By Rianne Briones | Jelbert Perdez | Ratsada Balita
Photo Credit: @MissUniverse