Nagkasabay-sabay lamang ang mga kanseladong diomestic flights noong Lunes kaya’t bahagyang nagulo ang scheduled flights.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, nadagdagan ang tig-20 biyahe paalis at padating ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa mga lalawigan kada oras kabilang na yung mga nasa Norte matapos bumalik ang ibang flights patungong norte bunsod ng poor visibility dulot ng bagyong Lando.
Naging priority na lamang aniya ng NAIA ang mga biyaheng may malalaking eroplano.
“Una po marami tayong flight na na-cancel because of the weather yung mga patungong Norte na hindi naman nila inakala na pababalikin sila kailangang bumalik ng Manila because of poor visibility, hindi makababa dito sa sinasabing airport sa North kaya nadagdagan ang 40 flights per hour, ang problema po ay nagkasabay-sabay dahil pati yung nasa Southern part ng Philippines ay scheduled flights po yan eh.” Pahayag ni Apolonio.
By Judith Larino | Karambola