Aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa ikinasang buy bust operation sa Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, naaresto ang tatlong hinihinalang drug traffickers sa Bagay Street Barangay Poblacion, Bongao.
Nagbenta umano ang mga suspek ng isang kilo ng shabu.
Sa ngayon ay nakakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act ang mga suspek.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico