Aabot sa $50k ang halaga ng COVID-19 RT-PCR test kits ang donasyong ipinagkaloob ng Vietnam sa Pilipinas.
Personal itong tinanggap nina Foreign Affairs Secretary Teodor Locsin Jr., at Health Undersecretary Carolina Taino mula kay Vietnamese Ambassador Hoang Huy Chung.
Kasabay nito, tiniyak ni Chung ang suporta ng Vietnam sa paglaban ng Pilipinas sa COVID-19 at pagprotekta sa kapakanan ng mga Pilipino.
Ipinadala ang mga test kits sa Research Institute for Tropical Medicine.