Arestado ang isang hinihinalang kilabot na drug pusher at nasabat mula rito ang halos 700,000 na halaga ng umano’y shabu sa ikinasang operasyon sa bayan ng Magarao, Camarines Sur.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Alvin Nosil, 43 taong gulang, at residente ng bayan ng Calabangga.
Isang undercover agent ang nagpanggap na buyer kaya’t nadakip si Nosil sa Barangay San Isidro at nakuha rito ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.