Nasabat ng mga awtoridad ang nasa dalawang kilo ng hinihinalang shabu mula sa 5 naarestong suspek sa malabang Lanao Del Sur.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)Regional Office in BARMM Chief Juvenal Azurin, tinatayang P13.6 milyon ang halaga ng narekober na shabu sa ikinasa nilang anti-drug operation.
Kinilala naman ang mga naarestong suspek na sina Charly Tali, Radal Naming, Aljun Saribon, Al Bashir Bacundo at Michael Embor Gamuranao.
Sinabi ni Azurin, natunton ang mga suspek matapos ma-trace ang drug activity ng mga ito mula Cavite hanggang Mindanao.
Maliban sa dalawang kilong shabu, nasabat din ng mga awtoridad ang ilang mga cellphone, ID’s at buy bust money.